Ang Durian ay isa sa mga prutas na pinagmamalaki ng Davao City dahil sa kakaiba nitong lasa. Madalas napapagkamalan na ang durian ay mataas sa cholesterol pero ito ay walang katutuhanan. Ang pag-init ng katawan matapus kumain ng durian ay dahil sa kakayanan nito na pabilisin ang pag-ikot ng dugo sa katawan ibig sabihin ito ay katulad lamang ng pakiramdam kapag naka-inum ng wine.
Kapag napabilis ang pagikot ng dugo mapapabilis din ang pag gamit ng kaloriya ng katawan kaya maari itong makatulong sa pagpapapayat ngunit hindi dapat pasobrahan.Maliban sa pagpapabilis ng pagikot ng dugo, ang durian ay may maraming Vit. C na nakakatulong laban sa inpeksyon, Thiamin o Vit. B1 na nagbibigay ng ganang kumain, manganese na tumutolong kuntrolin ang asukal sa dugo, Vit. B3 at Vit.B6 na tumutulong upang mapagaan ang pakiramdam at maiwasan ang depression, fiber na tumutulong upang mapadali ang pagbabawas at marami pang iba.
Maliban sa masama nitong amoy ay wala ng iba pang dahilan upang hindi tayo kumain ng durian kaya halina at kumain ng durian ng ating makamtan ang mga magagandang benipisyo nito sa katawan.
No comments:
Post a Comment